|
Friday, March 16, 2012
|
/
Reblog
/
Read More!
|
It’s been so long since I opened my blog. I miss my tumblr friends and tumblr people. gusto kong gumawa ng bagong blog. ASS IN, yung walang personal friends ko ang nakakaalam =| gagawa ako, SOON. Hahahaha. okay, bye for now :*
|
Tuesday, February 7, 2012
|
- Tanggapin mo na lang.
- Hayaan mo na lang siya.
- I-let go mo na rin siya tulad ng pag-let go niya sa’yo.
- Mag-move on ka na!
‘Wag mong sayanging ang oras mo sa taong ikaw mismo ang sinayang. Oo, sa una masakit. Mahihirapan ka’t malulungkot. Andyang ang depresyon at talaga masstress ka kakaisip dito bago ka matulog, araw-araw at gabi-gabi. Pero one day, you’ll get used to it. Masasanay ka rin na wala siya tulad na rin ng pagkasanay mo bago mo siya nakilala. Hindi lang ikaw ang dumaranas ng gan’to. Kung matalino ka talaga, alam mo kung kailan ka hihinto at titigil. Hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya ang isang relasyon. May isang taong aayaw. Merong isa sa inyo ang susuko at ikaw naman ang nagpupumilit ng ipaglaban ‘to. Ngunit ano pang saysay ng iyong pagsasakrispisyo kung siya mismo hindi ‘to pinahahalagahan.
Pabayaan mo siya! ‘Wag mong sayangin ang mga pagkakataon at panahon na lumilipas. Kung magpapaka-tanga ka man sa ex mong hiniwalayan ka, aba’y magtigil ka! Hindi mo ba naisip na kung sa panahong ‘yan eh nagpapakasaya ka, edi sana nakahanap ka pa ng taong bubuo sa pagkukulang na naibigay niya sa’yo. Talagang ganyan sa isang relasyon eh. Parang laro lang, may panalo at may natatalo. Pabayaan mo na lang siya, dahil kung mahal ka talaga niyan, sa umpisa pa lang matatakot siyang mawala ka…